Wala na sanang duguin dito. :D
Sa mga taong nagmamalasakit saakin at pumipigil (alam kong para saaking ikabubuti ang pagpigil) na magsend ng message sakanya, ipagpatawad nyo, dahil hindi ko natiis ang sarili ko at sinendan ko siya ng message today. Eto lang naman ang sinend ko: "uh, Hi?" - Parang talaga ako tanga ano? o tanga na talaga. Matagal na! Nabbwisit ako sa sarili ko. Pati narin sa walang kwentang hayop na lalaking pinagsendan ko ng message na yan.
Eto naman ang aking dahilan: Sana ay mainitindihan nyo rin -
Kahapon, at nang makalawa kausap ko ang aking oh so sweet na pinsan, marami akong narealize nung nakausap ko siya, at isa dito ay kung kailan nga ako handang mag "move on" ang aking sagot naman ay "hindi ko alam kung kailan, hindi pa ako ready" ang sagot naman nya ay, "kailan pa? umaasa ka parin" isang malaking OO ang sagot ko sa dahilan na walang CLOSURE saaming dalawa. Basta isang araw tinigilan nalang nya akong sagutin saaking mga mensahe. Ang sabi nila, yun na ang closure. Ibig sabihin iniiwasan ka na nya, ayaw na nya. Hindi parin ako naniwala, sinasabi parin ng puso't isip ko na meron pang pag-asa. Titigil lang ako kung sabihin nya na ayaw nya saakin, pero napagisip isip ko, mahirap sabihin yun ng deretsuhan, kahit ako cguro, mahihirapan. Nang araw na nakausap ko ang aking pinsan, yun din ang araw na nakahagilap ako ng balita tungkol sa aswang na yan. Simula nang tinigilan na nya ako kausapin marami siyang ginawang bago sa buhay nya. Nagbago talaga siya, at kasabay sa pagbabagong iyon, ay ang hindi pagkausap saakin. Tanong ko lang sa sarili ko, kasama ba ako sa mga masamang nakaraan nya? Ano ba talaga ang nagawa ko para ako ay iwanan nalang nya na nakabitin sa ere? O talagang ako ay ginawa nya lang pampalipas oras? Haaay. masakit isipin. Pero kailangang tanggapin. :)
Masaya ako para saknya ngayon dahil nabuhayan ulit siya ng loob. Hindi na siya yung lalaking nakilala ko na may galit at poot sa buong mundo, na kahit paglabas ng bahay ay hindi nya magawa. Nang malaman ko na maganda ang progreso ang takbo ng buhay nya, doon ka biglang naisip na padalahan siya ng mensahe, kung baga, para lang ipaalam na masaya ako sa nangyayari saknya. At siyempre, patalsik na rin na "baka" meron pa ngang pag-asa, so nagtry ako. At meron pa, gusto ko rin patunayan sa sarili ko kung paano ko mattake ang hindi nya pagsagot saakin, bago ko rin sha padalahan ng mensahe, sinabi ko na sa sarili ko na "kapag hindi to nagreply. wala na talaga tatangalin ko na siya sa lahat ng messenger ko" bibigyan ko siya ng isang araw at kung wala. eh di wala. Mabuti narin nang makapagmove on na talaga ako. BOOM. walang sagot. naginhawaan at nadismaya ako. pero hindi ako nasaktan. naginhawaan, kasi gusto ko narin naman mag move on wala lang talaga akong mapanghawakan noon, pero ngayon meron na, madali na para saakin. Nadismaya, kasi normal yun. dahil kahit nga papaano ay umaasa parin ako. Hindi nasaktan, HINDI talaga. wala akong naramdaman na sakit sa hindi malamang dahilan. Aaminin ko hanggang ngayon, naghihintay parin ako. Mabuti narin na ginawa ko ito, dahil makakatulong ito sa pagtanggap ng mga pangyayari. Kung sumagot man siya, HINDI KO ALAM ANG GAGAWIN KO pero 100% sure ako na hindi na sasagot yun. Sabi nga ng pinsan ko, masmadali mag move on kung tatangalin mo lahat ng makakapagpaalala ng tungkol saknya.
Bibigyan ko siya ng hanggang bukas ng umaaga - binibigyan ko din ang sarili ko ng oras para mapaghandaan ang aking sunod na gagawin - ayun ay ang pagtanggal ng lahat ng ala-ala. Kasabay ng pagtatapos ng buwan ng julyo, sana ay matapos narin ang lahat at maging matagumpay ang aking mga naging desisyon.
Sa mga taong walang sawang makinig sa aking mga katangahan at walang sawa sa pagpayo maraming maraming salamat. Alam ko na dapat noon ko pa ito ginawa pero hindi ako nakinig sainyo. Totoo nga, nagiging tanga talaga ang tao pagdating sa pag-ibig.
Siyet. Super emo. Sa tingin ko lang kasi kung hindi ko ito ilalabas maloloka ako. Sa ganitong paraan maeesplika ko nang mabuti at... maiiwasan din ang awards night. (maiiwasan din na mapagalitan.. hehe) Mashado kong ginawang big deal ito! haay. Sawa na ako.
OK LSS naman. Para sakanya to. Phak talaga siya. Grrrrrrr. Salamat din sayo hayop ka.
PS: katangahan nanaman. Hindi naman nya maiintindihan to, kaya naman walang preno ang mga salita ko. Kung mapadaan man siya sa blogelya ko, bahala siyang maghanap ng translator. TAE sha. Phak. hehe :P
Another PS: To my English readers, sorry. I have many reasons why I used my own language. Hope you understand. Cheers :D