Hay. Tanga talaga. - Pure Tagalog Entry

Wala na sanang duguin dito. :D

Sa mga taong nagmamalasakit saakin at pumipigil (alam kong para saaking ikabubuti ang pagpigil) na magsend ng message sakanya, ipagpatawad nyo, dahil hindi ko natiis ang sarili ko at sinendan ko siya ng message today. Eto lang naman ang sinend ko: "uh, Hi?" - Parang talaga ako tanga ano? o tanga na talaga. Matagal na! Nabbwisit ako sa sarili ko. Pati narin sa walang kwentang hayop na lalaking pinagsendan ko ng message na yan.

Eto naman ang aking dahilan: Sana ay mainitindihan nyo rin -
Kahapon, at nang makalawa kausap ko ang aking oh so sweet na pinsan, marami akong narealize nung nakausap ko siya, at isa dito ay kung kailan nga ako handang mag "move on" ang aking sagot naman ay "hindi ko alam kung kailan, hindi pa ako ready" ang sagot naman nya ay, "kailan pa? umaasa ka parin" isang malaking OO ang sagot ko sa dahilan na walang CLOSURE saaming dalawa. Basta isang araw tinigilan nalang nya akong sagutin saaking mga mensahe. Ang sabi nila, yun na ang closure. Ibig sabihin iniiwasan ka na nya, ayaw na nya. Hindi parin ako naniwala, sinasabi parin ng puso't isip ko na meron pang pag-asa. Titigil lang ako kung sabihin nya na ayaw nya saakin, pero napagisip isip ko, mahirap sabihin yun ng deretsuhan, kahit ako cguro, mahihirapan. Nang araw na nakausap ko ang aking pinsan, yun din ang araw na nakahagilap ako ng balita tungkol sa aswang na yan. Simula nang tinigilan na nya ako kausapin marami siyang ginawang bago sa buhay nya. Nagbago talaga siya, at kasabay sa pagbabagong iyon, ay ang hindi pagkausap saakin. Tanong ko lang sa sarili ko, kasama ba ako sa mga masamang nakaraan nya? Ano ba talaga ang nagawa ko para ako ay iwanan nalang nya na nakabitin sa ere? O talagang ako ay ginawa nya lang pampalipas oras? Haaay. masakit isipin. Pero kailangang tanggapin. :)

Masaya ako para saknya ngayon dahil nabuhayan ulit siya ng loob. Hindi na siya yung lalaking nakilala ko na may galit at poot sa buong mundo, na kahit paglabas ng bahay ay hindi nya magawa. Nang malaman ko na maganda ang progreso ang takbo ng buhay nya, doon ka biglang naisip na padalahan siya ng mensahe, kung baga, para lang ipaalam na masaya ako sa nangyayari saknya. At siyempre, patalsik na rin na "baka" meron pa ngang pag-asa, so nagtry ako. At meron pa, gusto ko rin patunayan sa sarili ko kung paano ko mattake ang hindi nya pagsagot saakin, bago ko rin sha padalahan ng mensahe, sinabi ko na sa sarili ko na "kapag hindi to nagreply. wala na talaga tatangalin ko na siya sa lahat ng messenger ko" bibigyan ko siya ng isang araw at kung wala. eh di wala. Mabuti narin nang makapagmove on na talaga ako. BOOM. walang sagot. naginhawaan at nadismaya ako. pero hindi ako nasaktan. naginhawaan, kasi gusto ko narin naman mag move on wala lang talaga akong mapanghawakan noon, pero ngayon meron na, madali na para saakin. Nadismaya, kasi normal yun. dahil kahit nga papaano ay umaasa parin ako. Hindi nasaktan, HINDI talaga. wala akong naramdaman na sakit sa hindi malamang dahilan. Aaminin ko hanggang ngayon, naghihintay parin ako. Mabuti narin na ginawa ko ito, dahil makakatulong ito sa pagtanggap ng mga pangyayari. Kung sumagot man siya, HINDI KO ALAM ANG GAGAWIN KO pero 100% sure ako na hindi na sasagot yun. Sabi nga ng pinsan ko, masmadali mag move on kung tatangalin mo lahat ng makakapagpaalala ng tungkol saknya.

Bibigyan ko siya ng hanggang bukas ng umaaga - binibigyan ko din ang sarili ko ng oras para mapaghandaan ang aking sunod na gagawin - ayun ay ang pagtanggal ng lahat ng ala-ala. Kasabay ng pagtatapos ng buwan ng julyo, sana ay matapos narin ang lahat at maging matagumpay ang aking mga naging desisyon.

Sa mga taong walang sawang makinig sa aking mga katangahan at walang sawa sa pagpayo maraming maraming salamat. Alam ko na dapat noon ko pa ito ginawa pero hindi ako nakinig sainyo. Totoo nga, nagiging tanga talaga ang tao pagdating sa pag-ibig.

Siyet. Super emo. Sa tingin ko lang kasi kung hindi ko ito ilalabas maloloka ako. Sa ganitong paraan maeesplika ko nang mabuti at... maiiwasan din ang awards night. (maiiwasan din na mapagalitan.. hehe) Mashado kong ginawang big deal ito! haay. Sawa na ako.

OK LSS naman. Para sakanya to. Phak talaga siya. Grrrrrrr. Salamat din sayo hayop ka.

PS: katangahan nanaman. Hindi naman nya maiintindihan to, kaya naman walang preno ang mga salita ko. Kung mapadaan man siya sa blogelya ko, bahala siyang maghanap ng translator. TAE sha. Phak. hehe :P

Another PS: To my English readers, sorry. I have many reasons why I used my own language. Hope you understand. Cheers :D

53 comments:

Jhamy whoops! said...

ok lang yan.. its not that easy to move on lalo na kung pure love ang binigay mo sa isang tao.. hindi mo ren pwedeng i erase ang mga memories ninyong 2..

i guess maging thankful ka na lang sa diyos dahil masaya na sya.. ngayon.. sariling kaligayahan mo naman ang hanapin mo..

*cheers*

Roxy said...

@Jhamy whoops
Nagtataka ako dahil nafall ako sa taong hindi ko pa nkkta :D desperada ang hoyak. Siguro, masmahirap kung merong memories. Kaso nga wala, kaya madali. :) Thanks :)

Roxy said...

@Jhamy woops
hehe pahabols - Nakita ko na, sa webcam nga lang :D

MAY said...

mahirap tlga mag-move on pag ganyan, un tipong walang closure.. feeling mo minsan eh gustong gusto mo na sha kausapn but then you're scared na baka i-deads ka lang.. nagustuhan ko yun pag-explain mo sa feelings mo.. emo ang dating pero totoong totoo.. minsan kelangan tlga maging totoo muna sa sarili bago mo masabing ok ka na... :)

Anonymous said...

haayyy roxy.. kaya mo yan.. im still here.. he's just a guy.. isipin m n lng dami png iba jan.. ok?? you're so sweet and kind.. in time, the 1 will come.. kei kei? wabyu.. always take care.. muahh!!:-*

Gracey said...

long process ang pagmomove on..
pero enjoy lang..
hindi mo malalaman..
nakamove on ka na pla at makikita mo na lang na tintawanan mo ang sarili mo.. :)

Jhamy whoops! said...

ay ganun.. hinds pa kayu ng mimeet.. pwede nman siguro manyare yun.. kung uber sweet and uber hunkalicious naman daba.. hahahah

pero makakrecover ka den gerl.. laban lang!!

link kita sa blog ko ha!!

tc!!

Roxy said...

@Jhamy whoops
Oh well. sweet yeah. Hunk? a big NO NO. Ewwe nga eh. but love is blind! :D yep sure. Link link :D Thanks :)

Roxy said...

@Winkii
Hehe. Thanks I will enjoy the long process. Hopefully (?) Voted for you!
Cheers!

Ehjayculate said...

lmao ... but feeling ko yung text message mo parang damang dama ang hesitation mo sa pag send! ... aha "UH, HI?"

lmao ... wagi ka!

Ehjayculate said...

friendship i believe in you! ... kaya mo yan!

eto serious to kasi kaninang comment ko impulse lang yon asi natawa ako sa message mo! sa bomplen mo!


oo nga how can you miss someone na hindi mo pa nakakasama ng personal ...

- pero hanga ako sa iyo diyan!

yeah i think you'll get over him in no time ... it's hard to miss someone without knowing what he/she smells like ... thats the first and last thing that you'll remember sa isang tao!

naalala ko the last time i fll so deeply inlove , pero alam kong di puede ... talagang na ifatuated ako amoy na amoy ko ang scent niya for some reason ... mabango siya no!

Roxy said...

@May
Sa ganitong mga pagkakataon kailangan talaga ilabas mo ang lahat ng nararamdaman mo, kundi, naku wala malamang nasa mental na ako. Salamat sa pagdaan ulit :)

@Ej
Hay nako. It took me 1 hour to press send. ugh. Oh well Im glad I did it atleast alam ko na kailangan ko na itigil ang kahibangan ko. :D Wagi? haha Tenkyu bibi :D

Ehjayculate said...

what i really am trying to say ...

mahirap maging attach sa isang tao na wala kahit isang moment na pinagsamahan ... physical and emotional contact

yung wala kang panghihinayangan!

unless manghinayang ka sa lahat ng oras na igunugol mo sa pag text at sa lahat ng credit mong sinayang! ... ahahaha


pero kaya mo yan friend!

Roxy said...

@Ej
waah! may kadugtong pa pala yun. LOL Pucha buti nga kung naging bomplen. Hindi naman. pag daw nagkita na kami dun daw malalamn.

Malamang mabaho yun. hindi daw siya naliligo eh. :D hahaha ewan ko kung nabibiro or half meant true? eww? cant imagine kaya. ewwwww. Noon tanggap ko cguro pero sa ngayon parang isang malaking Y U C K ang tingin ko sknya. haha ay bitter? haha LOL Tenx ulit bibi :*

Roxy said...

@Ej
Teka, isa pa! haha LOL

Isang libro, Isang card, poems na sinulat ko para saknya at oras lang naman ang inaksaya ko. naku kung sa txt. wag nalang mahal ang txt sa bansa nya noh. at buti nalang may skype :D

OO madali nato ako lang ang gumagawa ng sarili kong mga katangahan! Salamat grabe pinasasaya nyo ako sa mga comments nyo. :)

Ehjayculate said...

alam mo kung may CTRL+ALT+DELETE lang ang buhay ... ayung na ang pinayo ko sa iyo!

Roxy said...

@Ej
Kung may Ctrl+Alt+del malamang madami na akong nadelete sa buhay ko!

Weh I am so loving you right now ej. uy. exage. haha salamat salamat! Phak talaga siya! haha

Ehjayculate said...

wahaha actually ako rin! ... resulta naman ng too much ctrl+alt+delete ehh system crash in a long run!

Roxy said...

@Ej
Naku. tinambayan? hahaha! Oh well, Meron namang RESTART/REBOOT Eh diiibbaa?

Anonymous said...

alam mo yung decubitous ulcer?
yan yung sakit na nakukuha ng isang tao pag hindi sya gumagalaw ng matagal o nag momove.

kahit sa medical field sinasabi na kelangang magmove on tayo gano man yan kahirap dahil ang sakit ng dulot ng sawing puso ay nagkocause ng isa pang sakit..

sana nga'y maging maligaya ka roxy.. :D

Darlyn said...

nacks naman grabe ang title...

hayaan mo na di lng ikaw ang ganyan... ingats at salamt sa bisita

Ehjayculate said...

@ rixy oo tapos run the system defrag ng bonggang bongga! :)

Anonymous said...

naranasan ko na rin ito before. Mali yung mga taong sabihin na CLOSURE yung hindi na siya nagpapakita, nagpaparamdam etc...

Siguro closure yun sa gunggong na guy na yun, pero sa girl, hindi. Kase marami pang taong na hindi nasasagot. Especially yung tanong kung bat wa na sya care sa iyo.

So pano ako nakapag-move on noon? I had a confrontation with him... but since he's not talking back, i got frustrated and screamed my feelings out. Had a meltdown. And yeah, i told him off by saying he doesn't even have the balls to reject me in person.

Lesson: As a rule, guys would never ever tell a girl na he doesn't want to see her anymore because:

1) Guys hate to be the "evil one" by telling the girl that "it will never work out between the two of you". They rather you figure it out for yourself by noticing that he's not as sweet to you as before.

2) And since he just conveniently "disappears", the fact that it was loose ends between the two of you... And that you kinda just suddenly not together anymore... he could just easily go back to you whenever it was convenient for him... Meaning, pwede ka pa nyang gawing meantime girl.

So yun... Kakahiya yung meltdown ko, pero it was what i needed for the closure I'm looking for. I know na after that, there's no way na magkakabalikan kase there was so much that has been said (esp. on my part).

I'm not saying you do what I did. Pero ya know, sometimes ang tao kelangan munang mapahiya o masaktan ng todo para maka-move on :)

Anonymous said...

ayun.. ang haba.. ahehehe.. pasensya, nag-vent ang lola mo..lol

baka hindi applicable sa iyo yung sinabi ko, pero yung sa akin kase, may romantic attachment na wala lang relationship (going there sana, kaso tumiwalag ang mokong..pffft).

sa inyo ata parang friend lang kayo tas ikaw ay nahuhulog ang loob? tama ba?

Roxy said...
This comment has been removed by the author.
Anonymous said...

Awts. kalamidad ka pag ibig!

u'll eventually get by.

Manalig ka. Magredhorse ka.

tapos kinabukasan ok ka na.

pag nde ka parin ok bukas,

sa makalawa malamang ok ka na.

kung nde ka parin ok sa makalawa..

tangena, magpa-bypass surgery ka na.
malala na sakit mo sa puso nian. ;)

(k/a, kaya mo yan day. Be strong. apir!* )

Roxy said...

@FerBert
Naku FB, hindi ka lang pala tanyag na manunulat kundi isa ka rin palang doktor! wah. Bano nanaman si Roxy. so anong prefer mo na gamot para sa sakit na ito? :P tnx doc :P

@Darlyn
Hehe. Wala ako maisip na title e. :D
Salamat din :P

@Van
Thanks so much for sharing your story :)Pwede ko sabhn na oo magkaibigan lang kami na nafall ako. Pero nung tinanong nya ako kung naffall ako sknya sabi ko (Maybe I am - Just in denial) and he said, (I think I am too) BUT - he's not yet ready to trust and let someone in his life. And also, being part of his life will be hard for me as he has a lot of shit going on. I WILL NOT UNDERSTAND DAW According to him, it stresses him out kapag nakikita nya ako nasasaktan. blah blah blah - In short, it gave me hope. Thinking that he really cares for me. Yun pala ang meaning nya when he said all those things eh he's pushing me away. Hirap talaga kasi kapag selective hearing eh. haaay.:( Oh well, move along :)

btw, Hanga ako sa comment mo. Bano nanaman si Roxy! Thanks talaga totoo lahat yun. :)

Mico Lauron said...

Roxy, my labs, ok lang yan. Ganun din kse ako. wala pa din closure. kung meron man, hindi ko binibigyang pansin. i chose to deny it.

kaya hirap magmove on.


alam mo yung feeling na, "masakit pero hinahanap-hanap mo."

chak! emo tym!

Roxy said...

@Mahiwagang Sibuyas
Apir back! :P I WILL. eventually. :D Siguro naman hindi na ako aabot pa sa surgery. LOL Exage na diba??? hehe

Siyet. LSS KO tuloy...

REDHORSE! Ito ang tamaaaaa!

HAHA :P Thanks :D

Roxy said...

@Mico
Weh. Labidabdab :D Yup Emo na itooo!
Dati siguro katulad mo ako, Pero ngayon, SAWA NAKO! Tama na siya over na. exage. super. Naku - baka naman mamatay na yun sa kakachoke - Over na ang kasikatan nya hindi naman sha kagandahan. PHAK! :P

Anonymous said...

aaw.
roxy!
haha. ok lang yan :D

may natutunan ka nman eh. ryt?

smile miss roxy..

Roxy said...

@Jay
OO naman.. :D Yes. Will do :) thanks :D

Ehjayculate said...

mabenta tong blog mo ha! ...makahalungkat nga rin ng lifestory ko from the past ... ahaha ... inggitero amfnes! :D

Roxy said...

@Ej
Nakuuuuuuu ingeterong FROG!! hehe o sige halungkat! daliiiii para emo mode din :P

Anonymous said...

hay naku. mahirap tlga pag walang closure. ang suggestion ko, use ur anger para matiis mo na xa. ako din i am mad at my ex, pero pilit kong pinaparealize sknya na kawalan nia yun. hehehe.. tiis lang girl, tinan mo magugulat na lang un at natiis mo cya at cya naman ang maghahabol sa beauty mo :D

Roxy said...

@Fatima
OO correct ka jan! sa ngayon, yun lang ang aking pinanghahawakan - galit. hehe pero talaga. Nagagalit ako sakanya kasi ang feeling ko siya na ang pinaka-inconsiderate na taong nakilala ko. oh diba? phak talaga. hmp. :D

gillboard said...

tanga lang ang tao na hindi nakakaappreciate ng pagmamahal na binibigay sa kanya ng iba...

di ikaw ang tanga... siya...

ang mga tanga di pinagaaksayahan ng panahon at ng luha...

Anonymous said...

hehehe dami nagmamahal sayo o sus dami comment e...daming nagreply sa katangahan mo sa lalaking walang kwenta lol.

kahit na ba sabihing maganda ang progreso ng pagbabago nya e meron syang nasaktan..hindi ganun ang lalaki na hindi gago...

kung hindi sya gago..sasabihin nyang..wag mo na kong antayin...mas may okey sa king lalaki para sayo...

tignan mo gago?

ang gago hindi na hinihintay.... pinapatay yan lol!!

juk lang lol! move on move on..daming lalaki sa mundo...yun nga lang di tayo sigurado kung di rin sila gago lol!!

hay may tunog bitterness din ba ko?

wag mo ko intindihin....
gago ako e lol!

Anonymous said...

hi roxy...

ganyan talaga, hindi lahat ng bagay naaayon sa kagustuhan natin.

pero, i know in the end, makikilala mo rin ang taong who will love you in every bit.

thanks for visiting my blog.:-)

Anonymous said...

--

hakhak

may ganun?

contododrama tau jan ah

hakhak

elyens

XXXxx

jericho said...

may nagsabi sa akin na walang hard and fast rule in moving on. you'll just know when it happens. tama sya. ;)

Anonymous said...

basta lagi mo lang isipin ang lahat ng nakakabwisit sa kaniya para mawala na siya!

Anonymous said...

kaya mo yan roxy. hindi mdali pero makakaya mo yan. :)

salamat sa mga messages nyo sa tagboard ko.

Roxy said...

@Gillboard
tanga talaga siya! salamat gilly :D

@Manilenya
ay bitter! hehe I guess ok lang yun. its a normal thing. :D Salamat ng marami! Hindi ako naiiyak sa lalaki kundi sa mga nakakatouch nyong mga comments! :D

@Naomi
Thanks for visiting back. At the moment ayaw ko muna isipin na may dadating sa kadahilanang takot ako na masaktang muli. sa ngayon.. go lang ng go! :) Salamat

@Rimewire
Oo may ganun! ako nga rin di makapaniwala. LOL Salamat sa pagbisita :D

@Prinsesamusang
uy, salamat sa pagdaan at oo gagawin ko nga yun. :D

@Rok
Thanks very much for believing in me :) kakayanin ko ito para sainyong lahat! :) Nax! susyal. hehe

@EVERYONE
Maraming maraming salamat. Words cant express how I feel sa mga comments nyo. :) I am sooooo loving you all right now. CHEERS!

Roland said...

pag pure tagalog ba ang entry... meaning TANGA NA yung may-ari ng blog?

Roland said...

ok yun content ng post, pangit lang yung ginamit na title... hehe.

Roxy said...

@Roland
OK. Just to make things clear. The title "Hay. Tanga talaga." is meant for me not for the readers. :D PURE TAGALOG Entry means for Filipino readers only. MEANING English readers can't read the content because it is pure tagalog. Gets?

I thank you. :)

Roland said...
This comment has been removed by the author.
Roland said...

hehe, nag reply back.

dont get the impression that i didnt understand what the title of your post meant for... nang-iinis lang po ako, when i posted that comment...

ang saya! saya!

Roxy said...

@Roland
No biggie :D Have a goodnight :)

canky.is.me said...

grabe isa lang masasabi ko.. napakaimportante talaga ng closure! vwakanang syet. yun na nga lang yung isang bagay na magpapanormal (uhm ok..asa haha) sa takbo ng buhay mo ulet, ang tagal pang ibigay.. minsan nde pa mabigay! para kang inaatat at pinapaasa sa wala.

pero sabi nga ng madla, ok lang yan..it'll take time roxy.;) nde naman overnight ang pagmove on. darating ka din don neng hahaha

canky.is.me said...

at oo.. gusto kitang batiin sa maayos na pagkakalathala ng entry mo. hwahaha. pure tagalog nga ba lahat? nde ko napansin haha. pero ok lang cge.. isang award pa rin para sayo!

Roxy said...

@Canky.is.me
Haha. Mjo may sabit sabit na english pero ginawa kong tagalog para hindi nya maintindihan! :D yeah it'll take time, I HOPE SO! I am so emotionally tired na. *sigh*

Post a Comment

Read + Drop = Perfect combination, Don't be shy.