Project Lafftrip LaffapaloozaInimbitahan ako ni lunes na bumoto sa isang blog na may patimpalak (
hehe tama ba?) - Ito ay
Project lafftrip Laffapalooza (I-click ang link para sumali sa pagboto) Ayon kay Lunes, dapat iboto ang apat na binoto nya. So ang ginawa ko ay sinubaybayan ko ang tatlo at aking napagtanto na bagama't maraming entries sa palagay ko ay karapat dapat nga silang iboto.
Mr. D - Sorry hindi kita maboto kasi di ako maka-access sa blog mo. :(Unang pagboto ko ito so mejo hindi pa ako sanay sa mga terms :)
1.) KokeyMonster - Jusco po rudeh, walastek ah ah eto ang blog na talagang hindi ako pinatigil sa pagtawa! Seriously dude, saang lupalop ka nanggaling? Are you normal? Grabe ang mga terms bakit ganun banong bano ako kahit di ko maintindihan!? haha No. 1 ko ito. :D
2.) Chiksilog - Too good to be true. Yun lang. Wala akong maisip na term para sa blog ni Xienahgirl, Grabe ang takbo ng isip nya hindi ko mahabol. Isa rin sa mga kinababanuan ko netong past few days minsan yun iba kasi pag nagpost ng mahaba, tatamadin ka na, pero dito, grabe hindi ko namamalayan umaga na kakabasa. hehe ay nako sabihin nang exage. :P
3.) Mariano - Etong dude na ito. unbelievable. normally, pag sinabi mong loser ka. eh loser ka, puros kacornihan lang lumalabas sa bibig mo. Puros katangahan ang sinusulat mo, Pero bakit si mariano? Loser na corny pa, pero pag umarangkada na sa blog walang katumbas walastek din! Sana lahat ng loser kapareho nya para everybody happy. :P
4.)
Mang BADoy - Haaay. Sana umabot. Isa rin ito sa mga hinahangaan kong blogs. Ito ay karapat dapt ding iboto! :D
Yun pang 5 ko.. ewan, wala nako maisip. hehe.
So eto na, tapos narin. at hindi ako titigil sa pagbabasa ng blog nila! dahil ako ay isang bano. At ang isang bano ay dapat magbasa ng mga nakakabanong blog. Keep it up people!
psst Lunes, lakas mo saakin noh? :P
Cheers